Isang Mas Maayos at Mas Siguradong Serbisyo para sa Lahat!
Ipinagmamalaki ng City Government of Calapan sa pamumuno ni City Mayor Doy Leachon kasama ang City Health and Sanitation Department ang paglulunsad ng “Maayos na Barangay Sigurado (MBS) Serbisyo On Wheels”!
Makisama sa amin sa opisyal na pagbubukas nito sa Setyembre 15, 2025, alas-8 ng umaga sa City Plaza Pavilion. Inihahandog namin ang serbisyong ito upang mas mapalapit sa inyo ang mga mahahalagang serbisyong pangkalusugan at pangkalinisan para sa lahat.
Layunin naming gawing mas madali at accessible ang mga ito para sa lahat. Halina’t sama-sama nating itaguyod ang isang mas malinis, mas malusog, at mas panatag na komunidad!