Masayang tinanggap ng mga solo parent sa lungsod ng Calapan ang incentive na pinagkaloob ng City Government of Calapan sa pamumuno ni City Mayor Doy Leachon kasama ang CSWD at City Treasury Department at ang Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Bim Ignacio.
Anila malaking tulong para sa kanila ang nasabing incentive at lubos na nagpapasalamat ang bawat isa kay City Mayor Doy Leachon na nangako namang buong suporta ang ilalaan ng pamahalaang lungsod sa kanila.