Pormal ng nilagdaan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan kasama ang 28 Botika at 6 na Ospital para sa mas pinahusay at abot-kayang serbisyong pangkalusugan — ang Orange Health Card Plus.
Pinagunahan ni City Mayor Doy Leachon ang seremonya ng paglagda, kasama ang 62 Punong Barangay, mga kawani ng city government, at ang Sangguniang Panlungsod.
Pinamunuan ang gawain ni Sir Darvin Hernandez, OIC ng Socialized Medical Health Care Office.