Welcome to Calapan City!

FLAG CEREMONY – SEPTEMBER 08, 2025

Isang panibagong araw, isang bagong simula para sa lungsod ng Calapan. Panibagong linggo upang magbigay ng wasto at nararapat na serbisyo para sa mga Calapeño.
 
Kasabay ng regular flag raising ceremony ng City Government, binigyang pagkilala ang mga natatanging kabataang Calpeño na nagdala ng karangalan sa lungsod ng Calapan – sa larangan ng sports at akademiko, panalo ang kabataang Calapeño!
 
Naging pagkakataon rin ito upang pasalamatan ang mga gumabay, tumulong at sumubaybay sa mga kabataang ito, upang makamit ang mithing tagumpay!
 
Basta sama-sama, determinado at disiplinado — aangat ang Calapeño!