Welcome to Calapan City!

Solidarity Meeting ng CCAA, Bahagi ng Paghahanda

Idinaos ngayong 1PM sa City Plaza Pavilion ang Solidarity Meeting ng CCAA na pinangunahan ni Ginoong Marvin Panahon, CYSDD Officer. Dinaluhan ito ng lahat ng manlalaro upang pagtibayin ang kanilang pagkakaisa at masiguro ang kahandaan para sa liga. Kasunod ito ng isinagawang Screening ng CCAA Players kaninang umaga bilang bahagi ng kabuuang preparasyon ng liga.
 
Ang CCAA, inisyatiba ni Mayor Doy C. Leachon, ay patuloy niyang sinusuportahan bilang hakbang sa pagpapaunlad ng sports at pagpapalakas ng samahan ng mga kabataan. Nakatakda ang pagbubukas ng Season 20 sa Setyembre 17, 2025.