Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng masiglang turismo, nakilahok ang Calapan City Tourism Office sa 36th Philippine Travel Mart na ginanap sa SMX Convention Center, Pasay City mula Setyembre 5 hanggang 7, 2025.
Layunin ng kanilang pagdalo na higit pang maipakilala ang mga pangunahing atraksyon, kultura, at natatanging yaman ng lungsod—isang malinaw na patunay ng pangako ng Calapan sa pagsusulong ng masiglang turismo para sa maayos na bayan, sigurado.
Dumalo rin sa pagtitipon si DOT MIMAROPA Regional Director Roberto P. Alabado III, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagtutulungan ng mga lokal na pamahalaan at ng Department of Tourism sa patuloy na paghubog ng kinabukasan ng turismo sa rehiyon.