Welcome to Calapan City!

CCAA Screening at Solidarity Meeting, para sa Season 2

Nakatakda ang pagbubukas ng CCAA Season 20 sa darating na Setyembre 17, 2025. Kaugnay nito, isinagawa sa City Plaza Pavilion ang Screening ng CCAA Players at Solidarity Meeting mula 8AM hanggang 12NN, na pinangunahan ni Ginoong Marvin Panahon, CYSDD Officer.
 
Dumalo ang lahat ng manlalaro bilang bahagi ng masusing paghahanda para sa nalalapit na liga.
 
Ang CCAA, inisyatiba ni Mayor Doy C. Leachon, ay patuloy niyang sinusuportahan upang isulong ang pagkakaisa at paghubog ng talento sa larangan ng sports.