Welcome to Calapan City!

LINIS LUNGSOD SA BULUSAN

Sama-samang paglilinis ang isinagawa ng kapulisan at ng City Economic Enterprise Department – Calapan City sa pangunguna ni Sir Nepo Benter sa Bulusan Park nitong ika-4 ng Setyembre taong kasalukuyan.
 
Bahagi ito ng programa ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni City Mayor Doy Leachon ang panatilihin ang Calapan sa kalinisan ng kapaligiran nito. Matatandaan na tuwing huling sabado ng buwan nagsasama-sama ang mga mamamayan kasama ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan at mga konsernadong ahensya sa sabayang paglilinis sa kani-kaniyang barangay.