Pag-asa at bagong lakas!
Sa pamamagitan ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO), katuwang ang DSWD Regional Office at Dreemer Enterprise OPC, isinagawa ngayong Agosto 29, 2025 sa City Hall, Guinobatan ang “Fitting and Awarding of Prosthetic Legs.”
Isang makabuluhang hakbang sa ilalim ng Maayos na Bayan Sigurado Program ni Mayor Doy Leachon para masigurong walang naiiwan tungo sa mas maayos na pamumuhay.