Sa temang “Sa Calapan, Malusog at Ligtas si Mommy at Baby – Kinabukasan ay Sigurado, dahil sa Wastong Pagpaplano” isinagawa ngayong araw ang Buntis Congress 2025 sa Convention Center, Calapan City bahagi ng aktibidad na ito ang pagdiriwang ng Family Planning Month at Breastfeeding Month Celebration sa pangunguna ng City Health and Sanitation Department kasama ang City Nutrition Section at iba pang konsernadong ahensya.
Layon ng aktibidad na ito na magbigay ng sapat na impormasyon at kaalaman para sa wastong pagpaplano sa pagpapamilya at ang pagbubuntis na mahalagang gampanin ng isang ina para maging malusog ang sanggol sa kanilang sinapupunan.
Kaagapay ang City Government of Calapan sa pangunguna ni City Mayor Doy Leachon kasama ang buong Sangguniang Panlungsod sa pamumuno ni Vice Mayor Bim Ignacio na maihatid sa mga Calapeño ang mga ganitong programa na malaking tulong para sa ikabubuti ng mga nagsisimulang magpamilya.