Pormal nang binuksan ang 19th Regional PESO Congress sa Filipiniana Hotel, Calapan City, Oriental Mindoro ngayong Agosto 27, 2025.
Pinangunahan ng City PESO Manager Dr. Eder Redublo ang pagbubukas ng kongreso na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang LGU sa rehiyon upang talakayin ang mga programa at oportunidad para sa mas maraming trabaho at serbisyong pangkabuhayan.
Dumalo rin sa nasabing pagtitipon si City Mayor Doy Leachon, na nagbigay ng buong suporta, at si City Administrator Bobie Navarro na kaisa sa pagpapalakas ng inisyatibo ng lungsod.
#MayorDoyLeachon #AksyonAgadII #MaayosnaBayanSigurado