Welcome to Calapan City!

GABI NG KABATAAN – MAKIISA SA BAGONG SIMULA

Tunay na inabangan ng kabataan ng Calapan — ang isang hindi malilimutang gabi ng musika, talento at galing.
 
Simple ngunit makabuluhan ang naging pagdaraos ng Gabi ng Kabataan, na handog ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon, Vice Bim Ignacio at SK Federation President – SK Deo Lopez.
 
Pagpapakita ng talento ng Calepeño — nagpamalas ng galing ang ating local bands na kinabilangan ng Banda Ni Sadam, Chapter Five Band, at Nemesis Band. Lalo namang na-hype ang kabataang ng Calapan sa pagtatanghal ng SUNKISSED LOLA.
 
Masigabong palakpakan at ngiting abot tenga ang isinukli naman ng kabataan ng Calapan kina 1st District Representative – Cong. Arnan C. Panaligan, at Konsehal Atty. Bel Tanyag-Panaligan, sa kanilang mabuti at mapagbigay na puso, na siya ring naging susi sa katuparan at katagumpayan ng nasabing pagdiriwang.
 
Kabataang Calapeño — hanggang sa muling pagsasama-sama sa isang siksik, liglig at nag-uumapaw na saya!
 
#GabiNgKabataan2025 #DisiplinadongKabataanNgCalapan