Pagyamanin ang Kaalaman – Paunlarin ang Kasanayan
Barangay Reading Center In-Charge (BRC-In-Charge) Capability Enhancement Training
Isinagawa sa Calapan City Public Library, ika 14 ng Agosto ang isang pagsasanay para sa ating mga Barangay Reading Center In-Charge, sa pangunguna ng Calapan City Public Library sa pamamahala ni Ms. Claire Benter – City Librarian.
Ang programang ito ay may layong mas mapabuti at lalo pang maisa-ayos ang pagbibigay serbisyo ng mga BRCs In-Charge, sa mga kabataang benepisyaryo ng ating Library on Wheels.
Sa naturang pagsasanay, binigyang pokus ang library management na naka-angkla sa cataloging systems, at pagbibigay ng angkop na serbisyo sa ating mga mambabasa at sa mga Calapeñong bibisita sa ating Library on Wheels.
Naniniwala si Calapan City Mayor Doy C. Leachon na mahalaga ang ginagampanang papel ng ating mga Barangay Reading Centers sa pag-angat ng antas ng kaalaman ng mga bata sa bawat barangay sa lungsod ng Calapan, at suportado ang nasabing pagsasanay na ito sapagkat sa pamamagitan aniya nito, maisasakatuparan ang mithi ng Library on Wheels, na makapaghatid ng wasto at malawak na kaalaman sa mga kabataan ng Calapan.
Ayon naman kay CA Angel Navarro, ang naturang BRC, ay makapagbibigay sa ating kabataan ng magandang oportunidad at access sa iba’t-ibang mga libro, educational materials, kasabay rin ang wastong pag-gabay sa kanilang pagbabasa at pagkatuto.
Nagpasalamat naman si Ms. Claire Benter sa lahat ng nakilahok sa nasabing pagsasanay. Aniya, ang suporta na ipinakita ng iba’t-ibang indibidwal ang siyang naging susi sa katagumpayan ng layon ng Pamahalaang Lungsod at ng kanilang opisina – Wastong Kaalaman at Aklat, para sa mas Matalino at Bibong Calapeño, Sigurado!
#CapabilityEnhancementTraining #AksyonAgadII #MaayosnaBayanSigurado