Huwebes, ika 14 ng Agosto, personal na nilibot at binisita ni CA Angel M. Navarro ang Pamilihang Lungsod ng Calapan kasama si ENP Nepo Benter CEED Officer. Ang inisyatibang ito ay dahil sa kagustuhan ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon na ibalik ang sigla, kalinisan at kaayusan sa ating pamilihan.
Ang naturang inspeksyong ito ay kakambal ng adbokasiya para sa isang mas kaaya-ayang Pampublikong Pamilihan ng Lungsod ng Calapan.
Layunin ni Mayor Doy na buhayin muli ang Calapan City Public Market, isulong ang disiplina, at palakasin ang pakikiisa ng komunidad para sa ikabubuti ng estado ng naturang pamilihan.
Naniniwala ang alkalde na ang kampanyang ito ay magbubunga ng positibong epekto sa kalusugan ng publiko at kabuhayan ng mga maninindang Calapeño.
Aksyon tungo sa mas malinis, Maayos na pamilihang Bayan, Sigurado!
#AksyonAgadII #MaayosnaBayanSigurado