Welcome to Calapan City!

MILO MARATHON 2025

Personal na nagtungo at nagbigay ng kanyang mensahe ng suporta at pasasalamat si Calapan City Mayor Doy C. Leachon, sa lahat ng indibidwal, samahan, departamento, ahensya, tanggapan at lalong higit sa mga lumahok at nakitakbo sa MILO marathon. Aniya, sila ang dahilan ng katagumpayan ng bigating sports activity na ito.
 
Samantala, masigabong palakpakan naman ang inialay ni Mayor Doy at ng lahat ng nakilahok sa marathon, para sa pamunuan at bumubuo ng MILO.
 
Patunay lamang at walang duda, na ang Calapeño — aktibo, disiplinado at determinado!
Kasama ni Mayor Doy sina Vice Bim Ignacio, Vice Gov CA Jojo Perez, Mr. Allan Paigao (DepEd), SK President Mr. Deo Lopez, at CYSDD Head Mr. Marvin Panahon.
 
Napanatili at nakamit naman ang kaligtasan ng lahat, gayundin ang sistematikong daloy ng nasabing MILO Marathon dahil sa presensya ng CDRRMD, CHSD, Calapan CPS, CIO, Calapan PSD, City Tourism, ABC, mga konsernadong Punong Barangay, at marami pang iba.
 
Sa naging katagumpayan ng sports activity na ito, di maikakailang hudyat ito ng mas mainit at nag-aalab na diwa ng sports, di lamang sa lungsod ng Calapan bagkus ay sa buong lalawigan.
 
SALAMAT MILO!
SALAMAT CALAPEÑO!
 
#MILOMarathon2025 #AksyonAgadII #MaayosnaBayanSigurado