Welcome to Calapan City!

Binhi at Pataba, Handog sa 991 Magsasaka ng Calapan

Namahagi ngayong araw ang City Agricultural Services Department sa pamumuno ni OIC Pamela Rago, kasama si Mayor Doy C. Leachon, ng binhing tulong sa 991 magsasakang naapektuhan at nasalanta ang palay na kabuhayan dulot ng bagyong Dante at Emong. Ito ang tinatawag na buffer seeds o mga binhing pamalit, sa mga naitanim ngunit nasira at nasalanta ng mga kalamidad.
Nasa may 1642 ektarya ang naapektuhan ng naturang kalamidad at sa tala ay binubuo ito ng 34 na barangay sa lungsod.
 
Sa tulong ng Department of Agriculture, naipamahagi ang mahigit 2,100 sako ng binhi at 500 sako ng fertilizer sa barangay Sapul at Palhi — ito ang kakambal ng mga hybrid palay seeds na nauna nang naipamahagi ng Pamahalaang Lungsod.
 
Ang naturang Gawain ay bahagi ng rehabilitasyon upang matulungan ang mga magsasaka na makabangon at maipagpatuloy ang kanilang kabuhayan.
 
Walang patid ang Pamahalaang Lungsod katuwang ang iba’t ibang ahensya, sa pagbibigay ng kinakailangang suporta para sa sektor ng agrikultura sa Calapan – para sa patuloy na progreso ng buong kalungsuran.