Agosto 9, 2025 – Calapan City. Sa pamumuno ng Sangguniang Kabataan Federation President Deo Lopez, opisyal nang inilunsad ng SK Calapan ang YGREEN — Youth for Greener Response, Extending Environment and Nature, isang makabuluhang proyekto na layong palakasin ang partisipasyon ng kabataan sa pangangalaga ng kalikasan.
Katuwang sa nasabing inisyatibo ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pamumuno ni Mayor Doy Leachon at Vice Mayor Bim Ignacio, kasama ang buong Sangguniang Panlungsod at si City Environment and Natural Resources Officer Willy Landicho.
Binuksan ang programa ngayong umaga sa pamamagitan ng Sabayang Clean-Up Drive mula 5:00 AM hanggang 9:00 AM, na nilahukan ng mga kabataang boluntaryo, lider ng komunidad, at iba’t ibang organisasyon mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod.
Tampok sa YGREEN ang mga gawaing nakatuon sa pagpapanatili ng kalinisan, pagpapaigting ng kaalaman, at paghubog ng disiplina ng kabataan tungo sa pangmatagalang environmental protection.
Buong suporta ang ibinigay ni Mayor Doy Leachon sa YGREEN bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng lungsod para sa isang mas malinis, mas luntiang, at mas maayos na Calapan.
#MaayosNaBayanSigurado #AksyonAgadII #LinggoNgKabataan2025