Welcome to Calapan City!

Halalan para sa 2025 Junior Officials, Isinagawa sa Calapan City

Calapan City, Oriental Mindoro – Isinagawa ngayong araw ang Halalan ng mga Junior Officials mula alas-2:00 ng hapon hanggang alas-5:00 ng hapon sa Calapan City Hall, bilang bahagi ng layunin ng Pamahalaang Lungsod na palakasin ang partisipasyon ng kabataan sa lokal na pamahalaan.
 
Pinangunahan ito ng City Youth and Sports Development Department (CYSDD), katuwang ang Sangguniang Kabataan Federation, sa matatag na patnubay at paggabay ni Mayor Doy C. Leachon. Bahagi ito ng Calapan City Youth Parliament, na naglalayong bigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na maranasan ang paglilingkod-bayan at makapag-ambag sa mga programa para sa kabataan.
 
Dumating si Vice Mayor Bim Ignacio upang suportahan ang kaganapan at pinangunahan din ang panunumpa ng mga nanalong junior officials.
 
#YouthParliament2025 #CalapanCity #SKCalapan #AksyonAgadII #JuniorOfficials