Welcome to Calapan City!

SGLG EXECUTIVE BRIEFING — NEO PLUS +++

Mithiin ni Calapan City Mayor Paulino Salvador ‘Doy’ C. Leachon at Vice Mayor Bim Ignacio na gabayan at palakasin ang kakayahan ng ating mga bagong halal na opisyal na magreresulta sa maayos, tapat, mahusay, maayos at makataong serbisyo para sa Calapeño, ito ang layon ng isinagawang SGLG Executive Briefing – NEO PLUS +++, na ginanap sa Cafe Angela, ika 6 ng Agosto.
 
Umikot ang naturang Executive Briefing sa talakayan at pagbabahagi ng kaalaman hinggil sa mas malalim na pag-unawa sa mga isyu at hamon na kinakaharap at haharapin pa ng Pamahalaang Lungsod, tukuyin ang mga usapin at isyu na kanilang pagtutuunan ng pansin at makapagbalangkas ng mga paunang hakbang upang tugunan ang mga naturang isyung ito, aktibong partisipasyon na magpapatunay ng dedikasyon at katapatan sa paglilingkod ng mga bagong halal na opisyal, sa mamamayang Calapeño.
 
Target din nitong maibalik ang Seal of Good Local Governance (SGLG), mapatatag ang Local Climate Change Action Plan, wastong paggamit at paglalaan ng pondo ng bayan, at iba pang hakbangin tungo sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan ng lungsod ng Calapan.
 
TAPAT, MAHUSAY, AT MAAYOS NA PAMAHALAAN PARA SA BAWAT MAMAMAYAN NG CALAPAN.
 
#sglgNeoPlus+++ #AksyonAgadII #MaayosnaBayanSigurado