Welcome to Calapan City!

MAYOR DOY, UMALALAY SA PAMILYANG NASUNUGAN

Agad na umaksyon ang Pamahalaang Lungsod sa inisyatiba ni Calapan City Mayor Paulino Salvador ‘Doy’ C. Leachon para alalayan ang mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Brgy. Libis kagabi.

Natukoy na nasa siyam (9) na pamilya ang apektado ng nasabing sunog. Tiniyak naman ni Mayor Doy, CSWDO Madam Juvy Bahia, CHUSD Officer Engr. Jojo Reyes, at CDRRM Officer Mr. Dennis Escosora, na i-momonitor nila ang status ng mga apektadong pamilya at tutugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Matapos mangamusta ay nagkaloob ng pinansyal na tulong ang Pamahalaang Lungsod na nagkakahalaga ng P30,000 kada pamilya, gayundin ay nagpaabot ng Family Food Packs para sa mga ito. Ipinagpasalamat naman ng alkalde na wala ni isa mang nasaktan sa nasabing trahedya.

#AksyonAgadII #MaayosnaBayanSigurado

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *