Nakasama natin si Acting City Administrator at City Legal Officer, Atty. Rey Daniel S. Acedillo, sa Round Table Discussion tungkol sa pagsasakatuparan ng Unified Aftercare Referral/Monitoring System at Programa para sa mga dating Persons Deprived of Liberty (PDLs). Bahagi ito ng pagdiriwang ng 2024 National Correctional Consciousness Week na ginanap noong October 30 sa Filipinaña Hotel.
Pinangunahan ng Department of Justice Parole and Probation Administration Region IV-B (MIMAROPA), Dir. JANETTE S. PADUA, PhD, MNSA, MPSA, ang talakayan tungkol sa isang amended proposal na lumikha ng isang unified after-care monitoring referral system. Layunin nitong maging pamantayang sistema upang masubaybayan ang pagbibigay-tulong at patnubay sa mga dating PDL, upang sila’y makabalik sa lipunan nang may dignidad at positibong kontribusyon.
Nandoon din ang mga kinatawan mula sa Pamahalaang Lungsod ng Calapan, DILG, Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro, Bureau of Correction, DOLE, DSWD, PSWDO, CSWDD, TESDA, BJMP, Commission on Audit, Sablayan Prison and Penal Farm, at mga DepEd Schools Division ng Oriental Mindoro at Calapan City.