Halos 𝟯𝟬𝟬 mga Taekwondo Players ang dumayo sa Calapan City mula sa iba’t ibang bayan sa buong isla ng Mindoro tulad ng Roxas, Bongabong, Victoria, Naujan at Calapan may ilan pa mula sa ibang panig ng bansa gaya ng Batangas City, Sta. Rosa Laguna, Caloocan, Quezon Province at Marinduque upang makipagtagisan ng husay at lakas sa 𝟮𝟬𝟮𝟯 𝗞𝗮𝗹𝗮𝗽 𝗙𝗲𝘀𝘁𝗶𝘃𝗮𝗹 𝗜𝗻𝘃𝗶𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗧𝗮𝗲𝗸𝘄𝗼𝗻𝗱𝗼 𝗞𝘆𝗼𝗿𝘂𝗴𝗶 𝗖𝗵𝗮𝗺𝗽𝗶𝗼𝗻𝘀𝗵𝗶𝗽𝘀.

Isinagawa ito sa Calapan City Convention Center, Marso 19, 2023 na pinangasiwaan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 sa pamumuno ni 𝗖𝗬𝗦𝗗𝗗 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗠𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝘃𝗶𝗻 𝗟. 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻, sa pakikipagtulungan ng 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗧𝗮𝗲𝗸𝘄𝗼𝗻𝗱𝗼 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 at ng 𝗠𝗩𝗣 𝗦𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 𝗙𝗼𝘂𝗻𝗱𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻.

Upang ipakita ang kanyang malugod na pagtanggap sa mga panauhin na kinabibilangan ng mga atleta, referees, umpire coaches, organizers at mga magulang ay dumalo sa maikling programa si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼. Dito ay kanyang hinikayat ang mga kabataan na pakahusayan ang napili nilang laro. Ang City Government aniya ay nakahandang magbigay ng suporta sa mga atleta upang higit pa silang lumago bilang taekwondo players.

Kinilala din ng Alkade ang suportang ibinigay ng mga key officials ng kompetisyon tulad nina 𝗦𝗠𝗜 𝗥𝗮𝘆𝗺𝘂𝗻𝗱 𝗩𝗮𝗹 𝗣𝗮𝗱𝘂𝗮, 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻, 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻 𝗜𝗩 𝗕- 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗧𝗮𝗲𝗸𝘄𝗼𝗻𝗱𝗼 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 at 𝗖𝗼𝗮𝗰𝗵 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗼 𝗙𝗿𝗶𝗴𝗶𝗹𝗹𝗮𝗻𝗮, 𝗝𝘂𝗻𝗶𝗼𝗿 𝗚𝗿𝗮𝗻𝗱𝗺𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿, 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗻𝗮𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗿.

Lubos na pinasalamatan ni 𝗣𝗧𝗔 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 si Mayor Malou dahil sa masigasig na pagsuporta nito sa larong taekwondo kasunod ng pagkakaloob ng Sertipiko ng Pagkilala sa Punonglungsod.

Samantala ipinagkaloob din niya ang kanyang regalong Electronic Scoring System para sa mga manlalaro ng Taekwondo sa Oriental Mindoro na tinanggap ni 𝗖𝗼𝗮𝗰𝗵 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗼 𝗙𝗿𝗶𝗴𝗶𝗹𝗹𝗮𝗻𝗮.

Narito ang mga kategoryang pinaglaban sa loob ng isang araw na Kalap Festival Invitational Taekwondo Kyorugi Festival Championship base sa weight categories:

Toddlers Boys & Girls Novice 1 are yellow & blue belts, Novice 2 are red & Brown belts 5-7yrs old.

• Grade School Boys & Girls Novice 1 & 2 8-11yrs old.

• Grade School Boys & Girls Advance, All blackbelts 8-11yrs old

• Cadet Boys & Girls Nov 1 & 2 12-14yrs old

• Cadet Boys & Girls Advance All Blackbelts

• Junior Boys & Girls Nov 1 & 2 15-17yrs old

• Junior Boys & Girls Advance, All Blackbelts

• Seniors Male & Female Novice 1 & 2 18yrs old and above

• Seniors Male & Female Advance, All blackbelts