𝗙𝗿𝗼𝗺 𝗖𝗮𝗺𝗽𝘂𝘀 𝗝𝗼𝘂𝗿𝗻𝗮𝗹𝗶𝘀𝘁 𝘁𝗼 𝗥𝗲𝗮𝗹-𝗪𝗼𝗿𝗹𝗱 𝗝𝗼𝘂𝗿𝗻𝗮𝗹𝗶𝘀𝗺: 𝗦𝗛𝗔𝗣𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗡𝗗𝗦 𝗙𝗥𝗢𝗠 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 𝗧𝗢 𝗦𝗢𝗖𝗜𝗘𝗧𝗜𝗘𝗦

Hindi pinalampas ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙. 𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 ang paanyaya ng 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗘𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹𝘀 𝗗𝗶𝘃𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 upang dumalo sa pagsisimula ng 𝟮𝟬𝟮𝟯 𝗗𝗶𝘃𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹𝘀 𝗣𝗿𝗲𝘀𝘀 𝗖𝗼𝗻𝗳𝗲𝗿𝗲𝗻𝗰𝗲 sa Oriental Mindoro National High School, ika-19 ng Mayo.

Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Mayor Morillo na responsibilidad ng mga mamamahayag na ibahagi ang mga impormasyong nararapat na malaman ng taumbayan. Magbalita at magsulat ng katotohanan. Magsaliksik mabuti, balansehin ang mga nakakalap na impormasyon at pairalin ang patas na pamamahayag. Dagdag pa niya sa mga student journalists na siguruhing laging ama at pawang katotohanan lamang ang ihahayag dahil nakakaapekto ito sa lipunan.

Pinangunahan naman ni 𝗗𝗲𝗽𝗘𝗱 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹𝘀 𝗗𝗶𝘃𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗦𝘂𝗽𝗲𝗿𝗶𝗻𝘁𝗲𝗻𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗦𝘂𝘀𝗮𝗻𝗮 𝗠. 𝗕𝗮𝘂𝘁𝗶𝘀𝘁𝗮 ang nasabing gawain na isasagawa mula ika-19 hanggang ika-21 ng Mayo.

Isa ang DSPC sa mga pinakainaabangan ng mga paaralan lalo na’t dito ay nagpapakitang-gilas ang mga mag-aaral sa pamamahayag at pagsusulat ng balita.