Sa pamamagitan ng City Trade and Industry Department, pormal na binuksan ng Pamahalaang Lungsod ang 2-Day 2022 Kalap Trade Fair Diskwento Caravan sa Calapan City Plaza Pavilion, ika-10 ng Nobyembre.

Kasama ang Puregold at Citimart, handog ng CTID at Pamahalaang Lungsod ang mga deals at discounts sa iba’t ibang grocery items para sa taumbayan.

Gayundin ay nakiisa sa trade fair ang mga local producers at small business owners tampok ang kanilang mga local products.

Kabilang na nga dito ang City Agricultural Services Department, Kyle’s Food Products, Soco’s Empanada Atbp., Zhea’s Food Corner, Oriental Mindoro Producers Cooperative, Ilaw ng Agresibong Mangingisda, Samahang Pangkabuhayan ng Taga Dulangan, Kalap Product Center, Mara’s Bonsai, at 19th Ave. Fashion Hub.

Pinangunahan naman ni City Trade and Industry Officer EnP. Amormio Carmelo Joselito S. Benter at Konsehal Jun Cabailo ang ribbon cutting ng nasabing trade fair na bukas para sa lahat hanggang ika-11 ng Nobyembre.

Dumalo din si Vice Mayor Bim Ignacio upang magbahagi ng mensahe para sa taumbayan.