200,000 Samaral Fingerlings, Ipinamahagi!

Pinangunahan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, kasama si City Councilor Atty. Jel Magsuci at ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ng City Fisheries Management Office (FMO), sa pamumuno ni OIC, FMO, Mr. Robin Clement M. Villas ang distribusyon ng 200,000 Rabbitfish (Samaral) Fingerlings, para sa mga benepisyaryong Calapeño, ginanap sa City Hall, FMO, Barangay Guinobatan, Calapan City, nitong ika-11 ng Oktubre. Ang pondo ng ipinamahaging fingerlings ay mula sa quick response fund ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-MIMAROPA, bilang proyekto para sa mga fisherfolks na naapektuhan ng oil spill, kung saan 80 Fishpond operators ng lungsod ng Calapan ang napagkalooban nito sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan.