1ST QUARTER CALAPAN SOLID WASTE MANAGEMENT BOARD MEETING

Pinangunahan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo ang isinagawang “CY 2024 First Quarter

Calapan City Solid Waste Management Board Meeting” sa pangangasiwa ng City Environment and Natural Resources Department (CENRD) na pinamumunuan ni City ENRO, Mr. Wilfredo G. Landicho, ginanap sa City Hall, nitong ika-26 ng Hunyo.

Tinalakay at binigyang pansin sa nasabing pagpupulong ng lupon ang iba’t ibang mga mahahalagang hakbangin at plano na mayroong kinalaman sa Solid Waste Management, gayundin ang usapin patungkol sa Dengue, at iba pa.

Samantala, dumalo rin sa nasabing pagpupulong sina City Councilor Hon. Rafael E. Panaligan, Jr. at Mr. Ivan Stephen F. Fadri, CPA, CESE (City Director, DILG Calapan City), kasama ang iba pang mga kinatawan mula sa iba’t ibang departamento.