Nagkakaisang Lakas para sa Makabuluhan at Sama-samang Pag-unlad!

Sa inisyatibo ng Calapan City Cooperative Development Office at pakikipagtulungan ng Calapan City Cooperative Development Council, ay nailunsad ang kauna-unahang Cooperative Congress sa Calapan na dinaluhan ng 21 kooperatiba nitong ika-22 ng Oktubre sa Calapan Nature Park Pavilion.

Pinangunahan ni City Mayor Malou F. Morillo at ni Mr. Denisardo T. Gasic (CALSEDECO/CCCDC Chairperson) ang Ribbon Cutting ng Cooperative Trade Fair kung saan tampok ang mga produkto mula sa iba’t ibang kooperatiba sa Calapan.

Ipinakita naman ng mga miyembro ng mga kooperatiba ang kanilang pagsuporta sa Calapan City Cooperative Development Council sa pamamagitan ng paglagda sa Pledge of Commitment.

Ang nasabing gawain ay isa sa mga programang inihanda ng CCCDO at CCCDC sa pagdiriwang ng Cooperative Month.