” Asahan po ninyo, lahat po ng pangangailangan po ninyo ay ibibigay ko. Bakit po? Dahil kayo po ay
nagbabayad ng buwis at kailangan po na maibalik ko sa inyo, kung ano ang ibinabayad ninyo sa gobyerno.” — City Mayor Marilou Flores-Morillo
Nitong ika-2 ng Marso, matagumpay na idinaos sa pitong (7) barangay sa Lungsod ng Calapan, kabilang ang Bucayao, Buhuan, Nag-iba I, Nag-iba II, Navotas, Gutad, at Maidlang ang 1𝑠𝑡 𝑆𝑒𝑚𝑒𝑠𝑡𝑒𝑟 𝑜𝑓 𝑐𝑦 2024 𝐵𝑎𝑟𝑎𝑛𝑔𝑎𝑦 𝐴𝑠𝑠𝑒𝑚𝑏𝑙𝑦 𝐷𝑎𝑦 na may temang “Barangay at Mamamayan, Sama-samang Nagtutulungan sa Pagtaguyod ng Maayos, Maunlad, at Mapayapang Pamayanan, Tungo sa Isang Bagong Pilipinas”.
Ginagawa ang barangay assembly ng dalawang beses sa loob ng isang taon, upang bigyang pansin ang kalagayan at mapagpulungan ang mga aktibidad ng barangay, gayundin ang mga suliraning kinakailangang solusyunan, kasama na rin dito ang pagtalakay sa usaping badyet at gastusin.
Kaugnay nito, nakasama ng mga mamamayang Calapeño sa nasabing aktibidad sina City Mayor Marilou Flores-Morillo at Mr. Ivan Stephen F. Fadri, CPA, CESE, (City Director, DILG Calapan City), gayundin ang mga City Councilor na sina Hon. Atty. Jel Magsuci, Hon. Genie R. Fortu, Hon. Rius Anthony C. Agua, Hon. Rafael E. Panaligan, Jr., Hon. Frederico ‘Jun’ Cabailo Jr., gayundin si Mr. Brian Delizo bilang kinatawan ng Vice Mayor Rommel ‘Bim’ Ignacio.
Kasama rin dito ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay sa pamumuno ng kani-kanilang mga kagalang-galang na Punong Barangay, gayundin ang mga kasapi ng Sangguniang Kabataan, Barangay Nutrition Scholar (BNS), Barangay Health Workers (BHW) at iba pa