𝑯𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒍𝒂𝒎𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒖𝒔𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒅𝒂𝒑𝒂𝒕 𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂𝒂𝒏 𝒏𝒈𝒂𝒚𝒐𝒏𝒈 𝑭𝒆𝒃-𝒊𝒃𝒊𝒈!
Sa pangunguna ng 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗘𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗦𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 ay sinimulan ang 𝟭𝟵𝘁𝗵 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗗𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵 𝗗𝗶𝘃𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗞𝗶𝗰𝗸-𝗼𝗳𝗳 𝗔𝗰𝘁𝗶𝘃𝗶𝘁𝘆 sa Camilmil Central School, ika-3 ng Pebrero 2023.
Iniabot ni 𝗠𝘀. 𝗞𝗶𝗺 𝗨. 𝗖𝗮𝘁𝗶𝗯𝗼𝗴 ng 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 𝗚𝗼𝗹𝗱𝗲𝗻 𝗘𝗮𝗴𝗹𝗲 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝗯𝘂𝘁𝗶𝗼𝗻 ang mga dental kits kina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, 𝗠𝘀. 𝗟𝗮𝗶𝗱𝗮 𝗠. 𝗟𝗮𝗴𝗮𝗿-𝗠𝗮𝘀𝗰𝗮𝗿𝗲𝗻̃𝗮𝘀, 𝗢𝗜𝗖-𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹𝘀 𝗗𝗶𝘃𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗦𝘂𝗽𝗲𝗿𝗶𝗻𝘁𝗲𝗻𝗱𝗲𝗻𝘁, at 𝗠𝘀. 𝗔𝗱𝗲𝗹𝗶𝗻𝗲 𝗚. 𝗙𝗿𝗮𝗻𝗰𝗶𝘀𝗰𝗼, 𝗣𝗿𝗶𝗻𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗜𝗜𝗜 – 𝗖𝗖𝗦 na ibinahagi rin sa mga mag-aaral.
Napuno naman ng sigla ang buong CCS dahil sa pag-indak ng mga mag-aaral, guro, magulang, at mga bisita sa 𝑵𝑫𝑯𝑴 𝑱𝒊𝒏𝒈𝒍𝒆.
Isa naman si Mayor Morillo sa mga pumindot ng buzzer bilang hudyat ng pagsisimula ng sabay-sabay na paglilinis ng ngipin ng mga bata.
Mula sa Pamahalaang Lungsod, nakiisa din sa nasabing gawain ang 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝗲𝗮𝘁𝗵 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗮𝗻𝗶𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 sa pangunguna ni 𝗗𝗿𝗮. 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝘀𝗮 𝗟𝗹𝗮𝗻𝘁𝗼, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿, 𝗠𝘀. 𝗝𝘂𝘃𝘆 𝗟. 𝗕𝗮𝗵𝗶𝗮, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿, at 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆 𝗦. 𝗔𝗰𝗲𝗱𝗶𝗹𝗹𝗼, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗟𝗲𝗴𝗮𝗹 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿.
Naroon din ang ilang mga miyembro ng 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 𝗗𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 na pinamumunuan ni 𝗗𝗿𝗮. 𝗟𝗲𝗱𝗱𝗶𝗲 𝗔𝗽𝗮𝗿𝗿𝗮-𝗖𝗿𝘂𝘇.
Layunin ng gawain na isulong ang pangangalaga sa kalusugan partikular na sa bibig at ngipin kaya naman tuwing Pebrero, nagtutulungan ang Pamahalaang Lungsod at ang DepEd Calapan sa pagpapalaganap ng oral hygiene awareness sa taumbayan.
Kaya naman mula sa Pamahalaang Lungsod, ngayong Feb-BIBIG, ibigin din natin ang ating mga bibig! (Thea Marie J. Villadolid/CIO)







