Isang bilyong babae ang babangon, Tayo ang Gabriela ng ating panahon! Ika-9 ng Disyembre, nagtipon ang ilang mga sektor sa pangunguna ni City Mayor Malou Morillo at Ms. Ellaine Diomampo, Gender and Development Special Consultant, ng Calapan para sa 18-Day Campaign to End VAW: Rise for JUANA sa City Public Market.

Nakilahok naman ang ilang mga sektor gaya ng Kalapenya, LILAC, Solo Parents, City Government Scholars, Child Development Workers, at ilang City Government Employees sa Flash Mob sa awiting 1 Billion Women Rising.

“Babae ka, hindi babae lang,” iyan ang mensahe ni City Mayor Marilou Flores-Morillo. Bilang Ina ng Lungsod, una sa kaniya ang kapakanan at kaligtasan ng taumbayan kung kaya’t sinisigurado niya na maisulong ang mga karapatan ng lahat mapababae o mapalalaki man.

Hindi lang mga babae ang tumindig dahil pati ang mga kalalakihan ay hindi nagpahuli sa pagsusulong ng adbokasiya laban sa karahasan at pang-aabuso. Layunin naman ng gawain na maging mulat ang bawat CalapeƱo sa usaping VAW at hikayatin ang lahat na kumilos upang matuldukan ang anumang uri pang-aabuso o karahasan (Thea Marie J. Villadolid/CIO).