Inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ang Poster Making Contest, sa pangunguna ni City Mayor Mariloy Flores – Morillo at ni Ms. Ellaine Diomampo (Special Consultant in Gender and Development), sa Calapan Nature Park, Bulusan, ika-9 ng Disyembre. Bahagi ito ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women: United for a VAW Free Calapan City 2022 na may temang Take Action, Stand and Unite Against VAW. Sa ikalabinlimang araw ng kampanya laban sa VAW ay isinagawa ang poster making contest kung saan 14 na kabataang CalapeƱo naman ang aktibong nakiisa at lumahok sa nasabing paligsahan. Tumayo naman bilang mga hurado ang Historian na si Mr. Florante Villarica, Ms. Zarah Magboo (Provincial Social Welfare and Development Officer), Atty. Jean De Mesa (GFPS TWG Chairperson, PGOrM), at ang artist na si Mr. Michael Jayzon Dela Cruz. Malalaman naman sa ika-9 ng Disyembre ang mga nagwagi sa nasabing paligsahan (Thea Marie J. Villadolid/CIO).