Dumulog sa tanggapan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo sa Calapan City Hall ang mga kasapi ng Knights of Columbus, nitong ika-16 ng Oktubre, upang magbigay kortesiya sa punong lungsod, kaugnay sa isinasakatuparan nilang proyekto kasama ang Barangay Salong at Calero, para sa pagsasaayos sa Groto ng Calero.