120 ARMCHAIRS PARA SA BUCAYAO ELEMENTARY SCHOOL!

120 na bagong armchairs ang ipinagkaloob ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo sa Bucayao Elementary School sa Lungsod ng Calapan, ngayong ika-27 ng

Enero. Isa sa mga tinututukan at isinasakatuparan ng Punong-lungsod, Malou Morillo ay ang TAMAng pagtugon sa pangangailangan ng mga Calapenong mag-aaral, upang mas higit na maging epektibo ang pagtamo ng edukasyon ng bawat isa sa loob ng silid-aralan, kaya naman ang pagbibigay ng ganitong uri ng kagamitan sa mga paaralan ay isang malaking katulungan para sa pagkamit ng maayos, komportable at positibong learning environment. Samantala, nakiisa at naging bahagi rin ng naturang aktibidad ang mga Public Schools District Supervisors na sina Mr. Nicanor E. Alcanices, Dr. Eva B. Valenton, at Ms. Ma. Teresa C. Delos Reyes, gayundin si Ms. Lilibeth M. Jimenez, Head Teacher III ng Bucayao ES.


Deprecated: str_replace(): Passing null to parameter #3 ($subject) of type array|string is deprecated in C:\inetpub\vhosts\cityofcalapan.ph\cityofcalapan.gov.ph\wp-content\plugins\accordions\includes\functions.php on line 791