11TH KALAKALAPAN TRADE FAIR 2025


Bilang bahagi ng KALAP Festival 2025 | The 27th Cityhood Anniversary of Calapan, matagumpay na idinaos ang opisyal na pagbubukas ng “11TH KALAKALAPAN TRADE FAIR 2025”, sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo,

sa pamamagitan ng City Trade and Industry Department, sa pamumuno ni CTID Officer, EnP. Amormio Carmelo Joselito S. Benter, CESE, katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI) Oriental Mindoro, sa pamumuno ni DTI-Oriental Mindoro-Provincial Director, Dir Arnel E. Hutalla, CESO V, ginanap sa Xentro Mall, Barangay Sto. Nino, Calapan City, Oriental Mindoro, nitong ika-15 ng Marso.
Tampok dito ang iba’t ibang lokal na kalidad na mga produkto, kung saan dito ay mayroong 21 na booth ang maaaring bisitahin ng mga mamamayan na interesado at nagnanais na makabili ng mga itinitinda nilang mga produkto na mananatiling bukas para sa lahat, hanggang ika-18 ng Marso sa Xentro Mall, Calapan City.
Dahil dito, lubos na natutuwa ang Punong lungsod, Malou Morillo, sapagkat naisakatuparan ito, bilang pagpapalakas sa suportang ibinibigay, para sa mga lokal na produktong likha ng mga Calapeno at ng mga Mindoreno na mayroon malaking ambag sa pagkamit ng kaunlaran, kaya naman hinihikayat niya ang bawat isa na suportahan ang mga gawang lokal.
Dagdag pa rito, nagpakita rin ng pagsuporta sa naturang aktibidad ang mga kasamahan ni Mayor Morillo sa Team TAMA, gayundin ang iba pang mga panauhing bisita.
Samantala, kabilang sa mga Booth na nagtitinda ng iba’t ibang local products at services ay ang mga sumusunod:
1 VOYAGE: The Mindoro Artists Group
2-3 Tropical Heavens
4 Luna Ilumina
5 Beauche’ International and Skin Reborn Essentials
6 arTe.ph
7 Little Nino’s Handmade with Love / Off the Hook by Jehiel
8 South Asia Link, Finance Corporation
9 Mindoro 3D Prints
10 La Ynah Collections
11 Secretariat
12 City Agricultural Services Department
13 Comprehensive Agrarian Reform Program Beneficiaries
14 SEACAT Marketing
15 C-Nelle-J Souvenir Shop “Gawa Iraya”
16 San Juan RIC / KASAGPI / PARIC
17 Pinky’s Pasalubong
18 Voyage: The Mindoro Artists Group
19 King’s Agri Depot, Inc.
20 Mindoro King Motors and Agri-Machineries, Inc.
21 SMARTT