100 ARMCHAIRS PARA SA STA. ISABEL ELEMENTARY SCHOOL!

Nakararanas ng kakapusan sa maayos na upuan ang ilang pampublikong paaralan dito sa lungsod ng Calapan, batid ito ng Ina ng Lungsod Malou Flores-Morillo kaya naman binigyan niya ng daan na

makapamahagi ng mga mas maayos at bagum-bagong silya sa mga eskuwelahang nangangailangan nito. Ika-27 ng Enero, 100 silya ang ibinigay ni Mayor petMALOU sa Sta. Isabel Elementary School na pinamamahalaan naman ni Ms. Ulysie V. Alcoba (School Principal). Naging katuwang ng Pamahalaang Lungsod sa pagbibigay ng regalong ito ay ilang kawani ng Department of Education, na kinabibilangan nina Ms. Eugenia M. Gutierrez, Mr. Mark Lester Casapao, Ms. Mary Ann Arellano at iba pa. Ang mga bago at mas kumportableng mga upuan ay inaasahang makatutulong sa paglikha ng mas epektibong kapaligiran para matuto ang mga mag-aaral. Resulta din nito ay mas mataas na pagganap ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral. Buong linggong magpapatuloy ang pamamahagi ni Mayor Malou ng mga bagong upuan sa mga eskuwelahan sa lungsod ng Calapan.