Warning: getimagesize(../images/aksyonagadheadinggreen.jpg) [function.getimagesize]: failed to open stream: No such file or directory in D:\new_risecalapan\xampp\xampp\htdocs\plugins\content\contentoptimizer.php on line 189
Warning: filesize() [function.filesize]: stat failed for ../images/aksyonagadheadinggreen.jpg in D:\new_risecalapan\xampp\xampp\htdocs\plugins\content\contentoptimizer.php on line 196
Warning: getimagesize(../aksyonagadpics/pabahay.jpg) [function.getimagesize]: failed to open stream: No such file or directory in D:\new_risecalapan\xampp\xampp\htdocs\plugins\content\contentoptimizer.php on line 189
Warning: filesize() [function.filesize]: stat failed for ../aksyonagadpics/pabahay.jpg in D:\new_risecalapan\xampp\xampp\htdocs\plugins\content\contentoptimizer.php on line 196

Â
Â
Pabahay
"Specifically, this program endeavors to provide home for the homeless especially those informal settlers who live along coastal barangays and those selected government employees."
Â
Â
Batay sa matinding hangarin ni City Mayor Leachon na maisakatuparan ang malawakang programang pabahay, nag-iwan siya ng pangako na sa lalong madaling panahon ay sisimulan na ang konstruksyon ng mga tahanan sa tulong ng bayanihan ng sambayang Calapeño.
Â
Dahil dito, sa pamamagitan ni CENRO Chief Wilfredo Landicho, isang MOA signing ang naganap sa pag-itan ng Pamahalaang Lungsod at Gawad Kalinga noong nakaraang ika-27 ng Pebrero ng taon upang gawing pormal at legal ang proyekto na itatayo sa siyam na ektaryang lupa sa Sitio Culo-culo, Brgy. Bulusan. Matapos nito, isang dinner forum ang ginanap noong ika-25 ng Hunyo na dinaluhan ng tampok na panuhin na si G. Antonio "Tony" Meloto. Si Meloto ang chairman ng Gawad Kalinga (GK), ang organisasyong katuwang ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pagpapatayo ng mga bahay para sa mga informal settlers o iskwater.
Â
Sa mensahe ni Meloto, binigyan diin niya ang kahalagahan ng pagtutulungan o bayanihan ng lahat ng mamamayan ng lungsod upang maitayo ang may 400 mga bahay. Nakatakdang magbigay ang GK ng 30 milyong pisong halaga ng materyales para sa pagpapagawa ng mga tahanan.
Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang site development sa naturang lugar. Target beneficiaries ng programa ang mga mamamayang walang permanenteng tirahan sa tabi ng ilog simula sa Brgy. Ibaba hanggang Brgy. Sta. Isabel at mula sa iba pang coastal barangay sa syudad. Nakatakda ring bigyan ng sariling tahanan ang mga empleyado ng Pamahalaang Lungsod, mga pampublikong guro at mga pulis sa pamamagitan ng isa pang hiwalay na programang pabahay ng administrasyong Leachon.
