Warning: getimagesize(../images/aksyonagadheadinggreen.jpg) [function.getimagesize]: failed to open stream: No such file or directory in D:\new_risecalapan\xampp\xampp\htdocs\plugins\content\contentoptimizer.php on line 189
Warning: filesize() [function.filesize]: stat failed for ../images/aksyonagadheadinggreen.jpg in D:\new_risecalapan\xampp\xampp\htdocs\plugins\content\contentoptimizer.php on line 196
Warning: getimagesize(../aksyonagadpics/edukasyon.jpg) [function.getimagesize]: failed to open stream: No such file or directory in D:\new_risecalapan\xampp\xampp\htdocs\plugins\content\contentoptimizer.php on line 189
Warning: filesize() [function.filesize]: stat failed for ../aksyonagadpics/edukasyon.jpg in D:\new_risecalapan\xampp\xampp\htdocs\plugins\content\contentoptimizer.php on line 196

Â
EDUKASYON
released: Sept. 27, 2009
source: CIO Calapan City
Ang pagbubukas ng Dalubhasaan ng Lungsod ng Calapan o City College of Calapan noong ika-2 ng Hunyo 2008 ang itinuturing ni City Mayor Doy C. Leachon na isa sa pinakamahalagang pamana ng kanyang administrasyon para sa Lungsod ng Calapan. Ayon sa Punong Lungsod, ito ang pinakamahusay na paraan upang mas maraming kapos-palad na kabataan ang makapag-aral sa murang halaga ngunit de-kalidad ang edukasyon.
Â
Ayon sa kanya, ang pagbibigay ng ganitong pagkakataon sa mga kabataan ang nagsisilbing behikulo upang labanan ang kahirapan sa bansa. Bukod sa mga iskolar ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, tumatanggap din ang kolehiyo ng iba pang mga estudyante na handang magbayad ng sariling matrikula sa mababang halaga. Ang bawat paying applicant sa City College sa unang taon nito ay gagastos lamang ng halos P3,800.00 kada semester. Naglaan ang Punong Lungsod ng higit kumulang sa siyam na milyong piso para sa gusali ng City College na kasalukuyang ipinatatayo sa Old City Hall, Brgy. Ibaba. Itinalagang College Administrator si City Human Resource Officer Rene M. Colocar at Dean for Academic Affairs naman si City Education Officer Marilyn E. Manigbas.
Â
