Announcement

Warning: getimagesize(../images/aksyonagadheadinggreen.jpg) [function.getimagesize]: failed to open stream: No such file or directory in D:\new_risecalapan\xampp\xampp\htdocs\plugins\content\contentoptimizer.php on line 189

Warning: filesize() [function.filesize]: stat failed for ../images/aksyonagadheadinggreen.jpg in D:\new_risecalapan\xampp\xampp\htdocs\plugins\content\contentoptimizer.php on line 196

 

 

DISIPLINA

"Mayor Doy dreams of transforming Calapan into a city of character… The Discipline City."

 

NO SMOKING IN PUBLIC AREAS

Anchored on City Ordinance No. 13

Dahil sa pangangalaga sa kalusugan, sinimulan ng Administrasyong Leachon noong ika-2 ng Hunyo ang seryosong pagpapatupad ng City Ordinance No. 13 o An ordinance prohibiting smoking in specified places to protect the health and welfare of smokers and non-smokers in the City of Calapan.

 

Sa pangunguna ng Anti-Smoking Task Force (ASTF) na pinamumunuan ni City Health Officer Basilisa M. Llanto, M.D., ipinagbabawal sa sinuman ang paninigarilyo sa mga sarado at pampublikong lugar tulad ng ospital, simbahan, opisina, restawran, paaralan, maging sa mga pampublikong sasakyan tulad ng tricycle, jeep o bus, atbp. Ang mga may-ari ng establisimyento ang mananagot kung sakaling may mahuling naninigarilyo sa mga lugar na ipinagbabawal at walang "No Smoking" sign. Maaari din na ang mismong tao na naninigarilyo ang parusahan sakaling magmatigas sa mga babala.

 

Personal na pagmamatyag at regular na pagbisita sa mga establisimyento ang patuloy na isinasagawa ng ASTF. Ang mga mahuhuling lalabag ay magbabayad ng 500 piso para sa unang opensa, isang libong piso sa ikalawa, 4,500 para sa pangatlo at susunod pang mga paglabag o ang pagkakakulong mula tatlo hanggang anim na araw. Kung sakaling hindi makakapagbayad ang nahuli, may kaukulang community service na ipagagawa.

 

 

Visitors