Warning: getimagesize(../images/aksyonagadheadinggreen.jpg) [function.getimagesize]: failed to open stream: No such file or directory in D:\new_risecalapan\xampp\xampp\htdocs\plugins\content\contentoptimizer.php on line 189
Warning: filesize() [function.filesize]: stat failed for ../images/aksyonagadheadinggreen.jpg in D:\new_risecalapan\xampp\xampp\htdocs\plugins\content\contentoptimizer.php on line 196

Â
Â
DISIPLINA
"Mayor Doy dreams of transforming Calapan into a city of character… The Discipline City."
Â
GARBAGE-FREE CITY
Puspusan naman ang implementasyon ng Garbage Free City Program sa pamamagitan ng City Environment and Natural Resources Department na pinamumunuan ni G. Wifredo Landicho at ng Aksyon Agad Anti-Littering Task Force (TF). Ang programang ito na inilunsand noong Oktubre 2007 ay nagsisilbing giya at kontrol sa pagdami ng basura sa pagkukunan; koleksyon; pagdadala at pagpoproseso; pagtatapon; at pagpapanatili ng kalinisan.
Makalipas ang 8 buwan simula ng ipatupad ang programa noong Oktubre 2008, nakahuli ang TF ng higit sa 2,000 katao na nagtapon ng basura sa mga hindi itinalagang lugar. Dalawang beses na ring namahagi ng kagamitang pang-proteksyon at uniporme ang pamahalaan sa halos 200 streetsweepers at garbage collectors tulad ng mga damit, kapote, bota at mask. Sa tulong ng kumpanya ng Coke, nakapagbigay din ng halos 150 piraso ng mga damit sa mga magwawalis noong nakaraang buwan ng Marso 2008. Ganundin kawang-gawang nagkaloob ng 30 mga basurahang gawa sa bakal ang La Tondeña Distillers, Inc. na kasalukuyang ginagamit na sa poblasyon ng lungsod.
Upang higit na mahikayat ang mga Calapeño na makipagtulungan tungo sa kalinisan, gumamit ng iba’t ibang paraan ang CENRO tulad pagsasagawa ng mga Quiz Bee at Poster Making Contest sa mga paaralan; patimpalak sa mga barangay na pinamagatang Clean and Green Contest; pangangalat at pagpapaskil ng mga poster, flyers, tarpaulin at streamers; at pagbabahagi ng impormasyon sa radyo, pahayagan at telebisyon ukol sa tamang oras ng pagtatapon at koleksyon ng basura. Umabot na sa halos 3 milyong piso ang kabuoang pondo na nailagak sa Garbage Free City Program simula pa ng mailunsad ito hanggang noong buwan ng Hunyo 2008.
Patuloy ang kampanya ukol sa pagpapaigting ng waste segregation at source; recycling at utilization ng basura; pagtatayo ng Materials Recovery Facility sa bawat barangay sa syudad; at pagmimintina ng Controlled Disposal Facility na nasa Brgy. Batino. Binuo din ang Anti-Astray Animal Team na magbabantay at aaksyon laban sa mga hayop na nagkakalat ng basura.
