| Aplikasyon sa City Scholorship Program ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, Dinagsa ng Kabataang Calapeño |
|
|
|
|
Maraming kabataan ang nagpakita ng interes sa scholarship program na ito. Dumagsa ang daan-daang kabataan upang magsumite ng mga dokumento na kinakailangan para sa nasabing aplikasyon. Ayon sa tala ng CED, humigit kumulang sa 200 na mga mag-aaral na nais maging bahagi ng mga iskolar sa DLC, ang sumailalim sa pagsusulit. Ginanap ang eksamanasyon noong ika-13 ng Abril sa bagong gusali ng DLC. 120 lamang sa kanila ang mapalad na mapipili at haharap sa panelists para sa final interview upang makumpirma kung karapat-dapat nga ba silang maging skolar ng City Government para sa taong panuruang ito. Samantala, ang mga hindi papalarin ay bibigyan ng isang pang pagkakataon upang masala at mapabilang sa mga naunang grupo ng nakapasa sa pagsusulit. Sa ika-30 ng Abril ay nakatakda na muling magbigay ng eksaminasyon ang CED para sa iba pang nais na makapasok sa nabanggit ng scholarship program. Ang unang bahagi ng pagsusulit ay nahati sa anim na asignatura tulad ng English na may 70 items at Filipino na may 25 items. Samantala, 50 items naman para sa Mathematics, Science, History at Computer Information System. Binigyan lamang ng tatlong oras ang mga examinees para sagutan ang lahat ng bahagi ng pagsusulit. Apat na taon na rin ang nakalilipas simula noong maitatag ang DLC sa pamamagitan ni City Mayor Doy C. Leachon. Marami na ring parangal ang nakamit ng eskwelahan at ng mga mag-aaral nito sa iba’t-ibang larangan na pang-akademiko at isports sa loob lamang ng nakalipas na apat na taon. Bunga ito ng patuoy na pagsisikap ni Mayor Leachon at ng mga namamahala ng DLC katulad nina College Administrator Rene M. Colocar, Dean Manigbas at mga propesor ng kolehiyo. Pangunahing layunin ng City Scholarship Program at ng DLC ang makapagbigay ng tulong na pang-edukasyon sa mga kapos-palad na kababataan ngunit mayroong angking galing at talino. Sa limang kurso sa DLC tulad ng Bachelor of Science in Education (BS) - Special Education, BS in Information System, BS in Tourism Management, BS in Hotel and Restaurant Management at BS in Library and Information System, malayang nakakapili ng kurso ang mga mag-aaral na naaayon sa kanilang interes. Ayon kay City Education Officer Manigbas, gaganapin ang final interview ng mga nakapasa sa pagsusulit sa Mayo 15, 2012. |




Upang patuloy na makapagbigay ang Pamahalaang Panlungsod ng Calapan ng libre at abot-kayang edukasyon sa mga kabataang Calapeño sa kolehiyo, muling tumanggap ng mga aplikante sa City Scholarship Program ang City Education Department (CED). Ito ay sa pamumuno ni City Education Officer at Officer in Charge for Instruction ng Dalubhasaan ng Lungsod ng Calapan (DLC) na si Mrs. Marilyn E. Manigbas simula pa noong nakalipas na buwan ng Marso.